Connect with us

Capiz News

Magsasaka arestado sa kasong frustrated murder sa Jamindan, Capiz

Published

on

Inaresto ng kapulisan ang isang magsasaka sa Brgy. Lapaz, Jamindan, Capiz umaga ng Lunes dahil sa kasong Frustrated Murder.

Kinilala ang akusado na si Mario Fundar, 45-anyos, residente ng Sitio Malagna sa nasabing barangay.

Ang operasyon ay ikinasa ng mga tauhan ng Jamindan PNP sa pangunguna ni PMaj. Cherryl Visto, hepe, sa bisa ng warrant of arrest.

Ang warrant ay ibinaba at nilagdaan ni Judge Romel Leonor ng Regional Trial Court 6th Judicial Region Branch 21 Mambusao Capiz nitong Enero 7.

Php200,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *