Connect with us

Capiz News

Radio DJ binataang papatayin; suspek makailang beses nagpaputok ng baril

Published

on

Isang lalaki ang nagpaputok ng baril ng makailang beses sa Sitio Bung-ao, Poblacion Ilaya, Dumarao, Capiz hating gabi ng Miyerkoles at binantaang papatayin ang isang radio DJ.

 

Nagreklamo sa tanggapan ng Dumarao PNP ang biktima na si Varvin Hope Hiñola alyas DJ Mama Monyeka matapos ang nasabing insidente.

 

Salaysay niya sa kapulisan, nasa loob ito ng kanilang studio nang makarinig siya ng putok ng baril sa harap ng Dumarao Marketing at makailang saglit lang ay nagpaputok uli ito ng baril at sumigaw umano ng “ning agi nga ja patyon ko ja si mama mons?”

 

Pagkatapos ay pumunta umano ito sa bahay ni Ledesma Luto at nangatok pero hindi lumabas ang may-ari.

 

Sunod na dumaan sa harap ng bahay ni Atty. Mateo Hachuela ang suspek patungong Salcedo at muling nagpaputok ng baril, sumigaw ng “kikik” saka tumakas.

 

Ang nasabing kaso ay inirefer ng kapulisan sa Barangay Justice System para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *