Connect with us

Capiz News

Lalaki nabangga ng motorsiklo na menamaneho ng menor de edad sa Panay, Capiz

Published

on

Sugatan ang isang 42-anyos na lalaki matapos mabangga ng motorsiklo na menamaneho ng isang menor de edad sa Brgy. Pawa, Panay, Capiz hapon ng Martes.

Kinilala ang biktima sa report ng Panay PNP na si Efraim Estiquita, residente ng nasabing lugar.

Ang driver ng motorsiklo ay edad 17-anyos at residente ng Brgy. Bailan, Pontevedra. Angkas nito sina Kenneth Besa, 20, residente ng Brgy. Bailan at Romber Delfin, 41, residente ng Brgy. Amiligan, Pontevedra.

Dahil sa aksidente, nagtamo ng sugat sa kaniyang tiyan at iba pang bahagi ng katawan ang biktima. Isinugod siya ng rumespondeng mga tauhan ng Panay PNP sa Roxas Memorial Provincial Hospital para gamotin.

Sugatan rin ang driver at mga angkas ng motorsiklo at dinala ang mga ito ng mga tauhan ng RHU-Panay sa Bailan District Hospital para sa kaukulang paggamot.

Ang nasabing motorsiklo ay pansamantalang nasa kustodiya ng kapulisan.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *