Connect with us

Capiz News

Lalaki na gumamit ng pekeng voucher sa ‘double your money investment’, arestado

Published

on

Arestado ang isang lalaki matapos sinasabing gumamit ng pekeng voucher sa opisina ng isang “double your money investment” sa Brgy. Cagay, Roxas City na may halagang lahat na halos Php2 million.

Kinilala ang suspek na si John Paul Alianza residente ng Brgy. Tanza Gua sa lungsod ring ito.

Ayon sa Roxas City PNP, nagreklamo ang ilang staff ng nasabing investment office matapos madiskobre nila nitong Biyernes na peke ang pay-out vouchers na dala ng lalaki.

Ang mga voucher check ay nakapangalan kina Cristan Acer na may halagang Php700K, Jose Lara na may halagang Php710K, Omar Amorsolo na may halagang Php230K, at Rudy Bigcas na may halagang Php360K.

Depensa ng suspek, inutusan lamang umano siya na ipay-out ang apat na voucher checks kapalit ng Php40K at lingid sa kaniyang kaalaman na peke ang mga ito.

Pansamantalang ikinulong ang suspek sa Roxas City PNP Station at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *