Connect with us

Capiz News

37-anyos na lalaki binaril sa Sapian, Capiz

Published

on

Isang 37-anyos na lalaki ang binaril sa Sitio Perara, Brgy. Poblacion, Sapian, Capiz at kasalukuyang ginagamot ngayon sa ospital matapos magtamo ng sugat sa tiyan at sa braso.

Kinilala sa report ng Sapian PNP ang biktima na si Eduardo Parohinog habang kinilala naman ang suspek na si Quirico Gerapista, 40, dating sekyu, parehong mga residente ng nasabing lugar.

Ayon sa kapulisan bigla nalang umanong sinugod at hinamon ng suspek ang biktima habang ang huli ay nakikipag-inuman sa bahay ni Ronel Varnal.

Sinubukan ng ilang mga kamag-anak ng biktima na awatin ang suspek pero lumapit umano ang biktima sa kaniya at kinompronta ito.

Dito na nagpaputok ang suspek sa biktima gamit ang pinaniniwalaang 12 gauge shotgun.

Nagtamo ng sugat sa tiyan at kaliwang braso ang biktima na agad namang isinugod sa Capiz Emmanuel Hospital habang mabilis na tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Iniimbestigahan pa ng kapulisan ang kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *