Connect with us

Capiz News

20 anyos na lalaki arestado sa kasong robbery sa Roxas City

Published

on

Arestado ang isang 20 anyos na lalaki sa Pueblo de Panay Brgy. Lawaan, Roxas City, Capiz matapos serbehan ng warrant of arrest sa kasong robbery.

Kinilala ang akusado na si John Michael Piedad y Medina, 20-anyos, binata, walang trabaho, residente ng Legaspi St. Brgy. II, Roxas City.

Siya ay inaresto ng mga tauhan ng Roxas City PNP sa pangunguna ni PCol. Ricardo Jumuad Jr., hepe, nitong Biyernes ng hapon sa bisa ng warrant of arrest.

Ang warrant ay ibinaba ni Lorencito Belo Diaz, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 17, Roxas City nito lang January 06.

Php60,000 ang inirekomendang pyansa para sa akusado para sa kaniyang pansamantalang paglaya.

Temporaryong ikinulong sa Roxas City PNP Station ang lalaki para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *