Connect with us

Capiz News

Lalaki patay matapos maaksidente ang sinasakyang tricycle

Published

on

Patay ang isang lalaki matapos bumaliktad ang sinasakyan nitong tricycle sa Brgy. Sibaguan, Roxas City, Capiz Sabado ng hapon.

Kinilala ang namatay na si Albert Arinez, 23-anyos, residente ng nasabing lugar.

Kritikal naman ang lagay ng driver na si Michael Arinez, 25-anyos, pinsan ng namatay.

Batay sa imbestigasyon ng Roxas City PNP, patungo sanang Brgy. Lawaan ang mga biktima nang maganap ang aksidente.

Nag-overtake umano sa isang sasakyan ang tricycle nang mahagip nito ang puno ng kamias bago sumalpok sa puno ng mangga dahilan para bumaliktad ito.

Mabilis na isinugod sa ospital ang magpinsan pero dahil sa malubhang sugat na tinamo ng driver ng tricycle, binawian din ito ng buhay kalaunan.

Maswerte namang minor injuries lang ang natamo ng iba pang mga pasahero.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *