Connect with us

Capiz News

Mister patay matapos bumangga sa pick up ang kaniyang menamanehong motorsiklo

Published

on

aksidente sa motor photo

Patay ang isang mister sa araw ng Pasko matapos bumangga ang menamaneho nitong motorsiklo sa isang Pick-up sa Brgy. Poblacion-Ilaya, Cuartero, Capiz.

Kinilala ang biktima sa report ng Cuartero PNP na si Alfonso Belonio, residente ng Brgy. Ongol, Dumarao, Capiz.

Nabatid na papauwi na sana ang biktima nang aksidenteng bumangga ang menamaneho niyang motorsiklo sa likod ng sinisundan nitong pick up.

Natumba ang motorsiklo sa kalsada at nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang biktima.

Dinala pa sa Dao District Hospital ang biktima pero dineklara ring dead on arrival.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa nangyari.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *