Connect with us

Capiz News

60 anyos na lalaki patay matapos mabundol ng motorsiklo sa Jamindan, Capiz

Published

on

Patay ang isang 60-anyos na lalaki sa araw ng Pasko matapos mabundol ng motorsiklo sa Brgy. Linambasan, Jamindan, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Ruperto Vipinosa, residente ng nasabing lugar habang ang nakabundol sa kaniya ay kinilala namang si Ronald Estanislao, 37, residente ng Altavas, Aklan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Jamindan PNP, bigla umanong tumawid ng kalsada ang biktima dahilan para ito ay mabundol ng motorsiklo.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang biktima. Sinubukan pa itong dalhin sa Bailan District Hospital pero dineklara ring dead on arrival ng attending physician.

Boluntaryo namang sumuko sa kapulisan ang driver ng motorsiklo.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *