Connect with us

Capiz News

9 anyos na batang babae na namamasko patay matapos mabundol ng multicab

Published

on

Patay ang isang 9-anyos na batang babae habang namamasko matapos itong mabundol ng isang multicab sa national highway sa Brgy. Atiplo, Mambusao, Capiz.

Ayon sa report ng Mambusao PNP, nagbabahay-bahay ang biktima kasama ang kaniyang lola para mamasko nang maganap ang aksidente.

Nabatid na ang maglola ay mga residente ng Brgy. Oyong sa bayan ng Sigma, Capiz.

Napag-alaman na tinawag ng lola ang biktima na nasa kabilang bahagi ng kalsada dahilan para tumawid. Hindi namalayan ng bata ang papalapit na multicab kaya nabundol ito.

Kinilala ang driver ng multicab na si Marve Denosta Dumolong, 26, residente ng Brgy. Piña, Maayon, Capiz.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang bata. Isinugod pa ito sa Mambusao District Hospital pero hindi na umabot pa ng buhay.

Pansamantalang ikinustodiya sa Mambusao PNP Station ang driver ng multicab pero kalaunan ay pinalaya rin matapos hindi na nagsampa ng kaso ang pamilya ng biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *