Connect with us

Capiz News

Pintor at isang menor de edad kalaboso sa buy bust operation

Published

on

Arestado ang isang pintor at ang isang menor de edad sa panibagong buy bust operation sa Brgy. Banica, Roxas City, Capiz nitong hapon ng Martes.

Kinilala sa report ng Roxas City PNP ang suspek na si Jonathan Villaruz, 30-anyos, at ang isang 15-anyos na menor de edad na lalaki, pawang mga residente ng naturang lugar.

Nasabat ng kapulisan ang apat na sachet ng pinaghihinalaang shabu, dalawang cellphone, at Php1000 marked money.

Tinatayang nasa isang gramo ang narekober ng mga otoridad na nagkakahalaga ng Php6,800.

Ang operasyon ay ikinasa ng Station Drug Enforcement Team ng Roxas City PNP.

Nakakakulong ngayon ang mga suspek sa Roxas City PNP Station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *