Connect with us

Capiz News

Lalaki patay, isa sugatan sa aksidente sa motorsiklo sa Pontevedra, Capiz

Published

on

Patay ang isang lalaki matapos madisgrasya ang sinasakyan nitong motorsiklo habang sugatan naman ang driver sa Brgy. Intungcan, Pontevedra, Capiz.

 

Kinilala ang namatay na si Reynaldo Diestro, residente ng Brgy. Manayupit, Maayon habang ang sugatan ay si Charles Dumali, residente ng Brgy. Canapian, Maayon.

 

Ayon sa report ng Pontevedra PNP, nawalan ng kontrol ang driver sa menamaneho nitong motorsiklo dahilan para sila ay bumagsak sa sementadong kalsada.

 

Agad na isinugod ang dalawa sa ospital pero hindi na umabot pa ng buhay si Diestro.

 

Nabatid na nakainom ang dalawa ng maganap ang insidente.

 

photos PCpl Isaiah Don Bornales

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *