Connect with us

Capiz News

Kapitan, tanod sinaksak ng lasing na lalaki sa Roxas City; kapitan patay

Published

on

Patay ang isang kapitan sa Roxas City, Capiz matapos saksakin ng isang lasing na lalaki habang nagpapatrolya pasado alas-9:00 ng gabi ng Linggo.

Si Ruben Fuentes alyas Kap Godu, Punong Barangay ng Brgy. III sa lungsod na ito ay nagtamo ng malubhang sugat ng pananaksak sa dibdib.

Sugatan rin ang tanod na si Cesar Edrosolano, 38-anyos, residente ng parehong barangay, matapos saksakin rin siya sa tiyan ng parehong suspek.

Naaresto naman ng Roxas City PNP ang suspek na si Virgilio Vigor, 40, residente ng Janiuay, Iloilo, at ang kasama nito na si Joseph Jamora, 30, residente ng Oton, Iloilo at parehong mga construction worker.

Batay sa imbestigasyon ng Roxas City PNP, nag-iinuman umano ang suspek kasama ang dalawa pa sa isang videoke bar nang bigla nalang itong nagwawala.

Nadaanan ng nagpapatrolyang kapitan kasama ang kaniyang tanod ang suspek at tinanong ito kung kumusta siya.

Nagalit umano ang suspek at bigla nalang sinaksak ang kapitan na tinamaan sa kaniyang dibdib.

Sinubukan ng tanod na irescue ang kapitan subalit maging siya ay hinabol at sinaksak ng suspek sa tiyan.

Mabilis na isinugod sa ospital ang dalawa pero binawian din ng buhay ang kapitan ng barangay.

Sinubukan namang itago ng suspek na si Jamora ang kutsilyo na ginamit sa krimen saka tumakas at iniwan ang lima pa nilang mga kasama sa lugar.

Sa pagresponde ng mga kapulisan ay naaresto ang mga suspek at narekober ang kutsilyo na ginamit sa krimen na may bakas pa ng dugo at nasa 12 pulgada ang haba.

Nakakulong ngayon ang mga suspek at posibleng maharap sa kaukulang kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *