Connect with us

Capiz News

20 anyos na lalaki arestado sa kasong Rape, at Child Abuse sa Pilar, Capiz

Published

on

Arestado ang isang 20-anyos na lalaki sa Brgy. Casanayan, Pilar, Capiz sa mga kasong Rape, Rape by Sexual Assault at paglabag sa Republic Act No. 7610 o Anti-Child Abuse Law.

Kinilala sa report ng Pilar PNP ang akusado na si Dary Barrosa, residente ng nasabing lugar.

Siya inaresto ng kapulisan sa bisa ng order of arrest na ibinaba at nilagdaan ni Alma Banias – Delfin, Presiding Judge ng RTC 6th Judicial Branch 14 (Family Court), Roxas City nito lang December 7.

Php200,000 ang itinakdang pyansa ng korte sa paglabag nito sa RA No. 7610, habang Php120,000 naman sa kasong Rape by Sexual Assault habang walang pyansa ang kaniyang kasong Rape.

Pansamantalang ikinulong sa Pilar PNP Starion ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *