Connect with us

Capiz News

Sundalo na napatay sa engkwentro sa Negros Oriental, inilibing na

Published

on

Dinala na sa kaniyang huling hantungan ang katawan ni PFC. Arjun Guillermo na namatay sa engkwentro kontra sa pinaniniwalaang mga miyembro ng makakaliwang grupo.

 

Si Guillermo ay tubong Mambusao, Capiz.

 

Matatandaan na Nobyembre 6 nang maiulat na nagkaroon ng engkwentro ang 62nd Infantry Battalion – Philippine Army kontra sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa Barangay Sandayao, Guinhulngan City, Negros Oriental.

 

Sinasabing nasa 10 mga miyembro ng rebeldeng grupo ang nakalaban ng tropa ng gobyerno. Tinatayang umabot sa 15 minuto ang putukan sa magkabilang panig.

 

Nasugatan sa engkwentro si Guillermo. Isinugod ito sa ospital sa Kabankalan City, Negros Occidental pero binawian rin ng buhay habang ginagamot roon.

 

Photo: Philippine Army Spearhead Troopers

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *