Muling nakaengkwentro ng mga miyembro ng Philippine Army ang mga New People’s Army (NPA) sa Brgy. Buri, Tapaz, Capiz.
Nabatid na nagsasagawa ng combat operation ang mga miyembro ng militar pasado alas-4:00 ng hapon nitong Miyerkoles nang maganap ang insidente.
Sinasabing nasa pitong miyembro ng NPA ang nakaengkwentro ng tropa ng gobyerno.
Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.