Connect with us

Capiz News

Lalaki arestado sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act

Published

on

Arestado ang isang 44-anyos na lalaki sa Cabral Brgy. Dayao, Roxas City gabi ng Miyerkoles dahil sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga.

 

Kinilala ang akusado na si Jerry Lara alyas Bulilit, 44-anyos, walang trabaho at residente ng Brgy. Punta Tabuc, Roxas City.

 

Ang operasyon ay ikinasa ng mga tauhan ng Roxas City PNP kasama ang CIDG-Capiz at MARPSTA sa bisa ng warrant of arrest.

 

Ang akusado ay nahaharap sa kasong paglabag Section 5 in relation to section 26(B) Art.II of Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Ang warrant ay ibinaba ni Lorencito Diaz, Presiding Judge, RTC Branch 17, Roxas City nito lang Nobyembre 20.

 

Walang itinakdang pyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

 

Temporaryong nakakulong ngayon ang lalaki sa Roxas City PNP Station para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *