Connect with us

Capiz News

Lalaki arestado sa pangho-hostage sa isang lola, 2 iba pa

Published

on

Inaresto ng kapulisan ang isang lalaki matapos itong mang-hostage ng isang lola at dalawang iba pa sa Mejorada Subd., Brgy. Inzo Arnaldo, Roxas City nitong umaga.

Kinilala sa report ng Roxas City PNP ang suspek na si Randy Ric Alipongan, 36-anyos, residente ng nasabing lugar.


Nabatid na naglalakad ang nasabing suspek kalong ang isang taong gulang nitong anak na lalaki habang naglalakad nang bigla nalang umanong nag-iba ang kaniyang kilos.

Bigla nalang nitong inilagay sa lupa ang kaniyang anak at sinakal ang 86-anyos na si Enriqueta Batuigas, residente rin ng nasabing lugar.

Ayon sa suspek, hinostage niya ang nasabing matanda dahil may sumusunod umano sa kaniya na may dalang baril.

Kalaunan, dumating si Geovani Amarillo at ni-rescue ang biktima na kaniyang mother-in-law pero siya naman ang hinostage ng suspek.

Dumating naman si Elena Bareber, ina ng pangalawang biktima at boluntaryong isinurender ang sarili kapalit ng anak.

Habang naglalakad ang suspek kasama ang pangatlo nitong biktima, hiniling ng retiradong pulis na si Alex Aldea na sumuko ito sa kaniya. Sakto naman ng pagdating ng mga tauhan ng Roxas City PNP at ng SWAT Team.

Samantala, binigyan naman ng lunas ng Capiz Emergency Response Team ang mga biktima.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *