Connect with us

Capiz News

Bangkay ng isang lalaki na inanod na baha sa Maayon Capiz, natagpuan na

Published

on

Natagpuan na ang bangkay ng isang lalaki na una nang naiulat na inanod ng baha sa ilog ng Brgy. Old Guia at Brgy. New Guia, Maayon Capiz noong Disyembre 2.

Kinilala ang biktima na si Cornillo Dapulasa, 50-anyos, residente ng Brgy. New Guia sa nabanggit na bayan.


Nabatid na natagpuan nitong araw ng Martes ang bankay ng lalaki sa ilog sa Brgy. Manlupa, Maayon. Tinatayang nasa 18 kilometro ang layo nito mula sa ilog sa pagitan ng Brgy. Old Guia at New Guia.

Matatandaan na sinubukan noon ng biktima na tumawid sa tulay sakay ng kaniyang tricycle sa kabila ng patuloy na pag-apaw ng tubig sa tulay dahil sa matinding pagbuhos ng ulan.

Huminto sa pag-andar ang menamaneho niyang tricyle sa kalagitnaan ng tulay bagay na humingi ito ng tulong sa isang tanod.

Kumuha naman ng lubid ang tanod pero pagbalik niya sa lugar ay wala na roon ang biktima kasama ang tricycle nito.

Unang natagpuan ang kaniyang tricyle sa parehong lugar araw  ng Lunes kung saan natagpuan ang kaniyang bangkay.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *