Connect with us

Capiz News

42 anyos na lalaki pinagbabaril patay sa Roxas City

Published

on

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng kapulisan sa nangyaring pamamaril sa isang 42-anyos na lalaki sa Sitio Switch, Brgy. Adlawan, Roxas City gabi ng Linggo.

 


Kinilala sa report ng Roxas City PNP ang biktima na si Regie Gaco, isang laborer.

 

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, bibili sana ng soft drink ang lalaki sa isang tindahan nang siya ay pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.

 

Nagtamo ng tama ng pagbaril ang biktima sa iba-ibang bahagi ng kaniyang katawan kabilang na sa dibdib, sa mukha at sa kili-kili.

 

Agad naman siyang isinugod sa Capiz Doctors Hospital pero hindi na ito umabot pa ng buhay.

 

Mabilis namang tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo matapos ang krimen.

 

Narekober ng mga otoridad sa lugar ang isang empty catridge ng caliber .45 at 2 deform metal slug.

 

Inaalam pa ng kapulisan ang motibo sa insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *