Connect with us

Capiz News

Binata huli sa drug buy bust operation sa Panitan, Capiz

Published

on

Hindi na nakapalag pa ang isang 21-anyos na lalaki matapos mahuli sa akto na nagtutulak ng iligal na droga sa Brgy. Intampilan, Panitan, Capiz.

Kinilala ang suspek na si Jhave Depliyan, residente ng Brgy. Ilaya sa nasabing bayan.

Nasabat ng operatiba mula sa suspek ang 6 sachet ng pinaghihinalaang shabu, Php500 buy bust money, tricycle at ang cellphone ng suspek.

Ang buy bust operation ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Panitan at Maayon PNP Station gabi ng Huwebes.

Nakakulong ngayon sa Panitan PNP Station ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *