Connect with us

Capiz News

Lalaki patay matapos anurin ng baha ang bahay sa Pres. Roxas, Capiz

Published

on

 

Patay ang isang lalaki sa Brgy. Badiangon, Pres. Roxas, Capiz matapos anurin ng baha ang kanilang bahay gabi ng Miyerkoles kasunod ng matinding pagbuhos ng ulan.

 

Kinilala ang lalaki na si Leonel Ballon, 25-anyos.

 

Ayon sa 76-anyos na ama nito na si Remundo Dieta, naghahapunan sila nang bigla nalang bumaha at inanod ang kanilang bahay.

 

Agad namang nakalikas ang matanda habang naiwan ang anak dahil kailangan pa umano nitong bantayan ang hayupan nito.

 

Sinabi pa ng ama, muntik rin itong anurin ng baha pero nakakapit ito sa isang puno ng kahoy.

 

Kinabukasan, natagpuan nalang ang bangkay ng kaniyang anak na puno ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan.

 

Nabatid na dalawa lamang silang namumuhay ng kaniyang nag-iisang anak. Doble ang sakit na nararamdaman nito matapos mawalan ng bahay at anak.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *