Connect with us

Capiz News

56 anyos na lalaki arestado sa kasong Serious Physical Injuries sa Panay, Capiz

Published

on

Arestado ang isang 56-anyos na lalaki sa Brgy. Bago Grande, Panay, Capiz sa kasong Serious Physical Injury.

Kinilala ang akusado na si Danilo Ricaforte, residente ng Brgy. Jamul-awon, Panay, Capiz.

Siya inaresto ng mga tauhan ng Panay PNP Biyernes ng hapon sa bisa ng warrant of arrest.

Ang warrant ay ibinaba at nilagdaan ni Henry Avelino, Presiding Judge, 2nd Municipal Circuit Trial Court Pontevedra-Panay, 6th Judicial Region sa Pontevedra nitong Nobyembre 24.

Php18,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Pansamantalang ikinulong sa Panay PNP Station ang nasabing akusado para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *