Connect with us

Capiz News

2 pekeng dentista arestado sa entrapment operation ng CIDG-Capiz

Published

on

Arestado sa magkahiwalay na entrapment operation ng CIDG-Capiz ang dalawang katao na sinasabing mga pekeng dentista sa Roxas City.

Kinilala ang mga suspek na sina Ma. Ernestina Villaron, 27-anyos, tubong Brgy. Jolongajog, Pontevedra, Capiz at pansamantalang nakatira sa Brgy. Tanque,  Roxas City at Floro “Boy” Gadiano, 63, residente ng Brgy. 9, Roxas City.

Nabatid na ang mga nasabing suspek ay naglalagay ng braces at pustiso, at nagbubunot ng ngipin ng walang mga kaukulang dokumento.

Ang operasyon ay ikinasa ng mga otoridad kasunod ng reklamo ng  Philippine Dental Association (PDA) Capiz kaugnay ng iligal na transaksyon ng mga nasabing suspek.

Nasabat ng mga otoridad ang mga braces, pustiso at ibat-ibang kagamitan na ginagamit ng dalawa sa operasyon.

Napag-alaman na dati nang nahuli si Floro sa isang entrapment operation ng NBI kasama ang PDA-Capiz Chapter sa parehong gawain noong 2003.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9484 o Philippine Dental Act of 2007 ang mga nasabing suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *