Connect with us

Capiz News

Lalaki sugatan matapos mahagip ng SUV sa Brgy. Baybay, Roxas City

Published

on

Sugatan ang isang 61-anyos na lalaki matapos siyang mahagip ng isang Toyota Fortuner SUV sa harap ng Altacosta Building sa Brgy. Baybay, Roxas City hapon ng Martes.

Kinilala sa report ng Roxas City PNP ang biktima na si Moises Andrada, residente ng Brgy. Dumulog, Roxas City, isang empleyado ng gobyerno.

Kinilala naman ang driver ng SUV na si Jobern Loretizo, 27, residente ng Brgy. Poblacion, President Roxas, Capiz.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, nakatayo sa gilid ng kaniyang tricycle na nakapark sa gilid ng kalsada ang naturang biktima nang siya ay mahagip ng sasakyan.

Nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang biktima. Agad siyang dinala ng mga rumespondeng tauhan ng Capiz Emergency Response Team sa isang pribadong ospital kung saan ito naka-confine ngayon.

Nasa kostudiya naman ngayon ng kapulisan ang driver-suspect pati na ang mga sasakyan na sangkot sa aksidente habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *