Connect with us

Capiz News

Lalaki natagpuang patay sa tabing-dagat ng Brgy. Dumulog, Roxas City

Published

on

Isang lalaki ang natagpuang patay sa tabing baybayin ng Brgy. Dumulog, Roxas City, Capiz nitong umaga ng Miyerkoles.

Kinilala ang lalaki na si Noe Patalagsa, 55-anyos, residente ng Hinigaran, Negros Occidental.

Nabatid na nakasama pa si Patalagsa sa pangingisda noong gabi bago ito natagpuang patay.

Ayon sa mga kasama nito, huminto umano sila sa Olotayan Island pansamantala noong gabi dahil sa malakas na alon nang mapansin nila na nawawala na si Patalagsa.

Kapansin-pansin umano ang kakaibang kinikilos nito bago siya nawala. Halos makailang beses anila itong nagpalit ng kaniyang damit.

Paniwala nila, tumalon ang biktima sa dagat nang makatulog na sila.

Nakikipag-ugnayan na sa pamilya ang mga otoridad para makuha ang bangkay ng lalaki.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *