Connect with us

Capiz News

40 anyos na lalaki arestado sa buy bust operation sa Brgy. Culasi, Roxas City

Published

on

Arestado sa isang buy bust operation ang isang 40-anyos na lalaki sa Sitio Nipa, Brgy. Culasi, Roxas City gabi ng Lunes.

 

Kinilala ang suspek na si Jerald Alba, residente ng nasabing lugar.

 

Nasabat ng operatiba sa operasyon ang limang sachet ng pinaghihinalaang shabu, isang Php500 marked money, at isang cellphone.

 

Tumitimbang ng 3 gramo ang nasabing shabu na nagkakahalaga ng nasa Php19,500.

 

Ang operasyon ay ikinasa ng Roxas City PNP sa superbisyon ni PLtCol. Ricardo Jomuad Jr, hepe.

 

Nakakulong ngayon ang suspek sa Roxas City PNP Station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *