Connect with us

Capiz News

Barangay Kagawad patay matapos barilin ang sarili sa Tapaz, Capiz

Published

on

Patay ang isang kagawad ng isang barangay sa bayan ng Tapaz matapos magbaril ng kaniyang sarili.

Batay sa report ng Tapaz PNP, narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang calibre 45 at limang mga bala at basiyo na pinaniniwalaang ginamit ng konsehal sa pagpapakamatay.

Nabatid na nagtamo ng tama ng pagbaril sa ulo ang 45-anyos na kagawad dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Ayon sa kapitan ng barangay, mabuting tao naman ang nasabing konsehal at wala itong nalalamang kaaway niya.

Sinasabing nagkaroon ng problema ang biktima at ang kaniyang asawa.

Isinailalim naman sa paraffin test ang kagawad bilang bahagi ng imbestigasyon ng kapulisan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *