Connect with us

Capiz News

Lalaki natagpuang patay sa sapa sa Brgy. Banica, Roxas City

Published

on

Isang lalaki ang natagpuang patay sa sapa sa Atila Avenue, Brgy. Banica, Roxas City madaling araw ng Biyernes.

Kinilala sa report ng Roxas City PNP ang suspek na si Jonathan Caloyloy, 42-anyos, residente ng Brgy. Tanza Norte, Panay.

Nabatid na nagtatatrabaho ito bilang isang utility worker ng Capiz Government and Business Center.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, may tama ng pananaksak sa dibdib ang nasabing biktima.

Ayon sa asawa ng biktima, nawawala ang pera ng biktima na nasa Php5,000. Napag-alaman na ninakaw rina ng headlight ng kaniyang motorsiklo.

Pinaniniwalaang ng kapulisan na nanlaban ang biktima sa mga hindi pa nakikilalang mga suspek kaya ito sinaksak.

Natagpuan sa pinangyarihan ng krimen ang motorsiklo ng biktima.

May mga person of interest na ang kapulisan subalit patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *