Connect with us

Capiz News

63 anyos na lalaki natagpuang patay sa loob ng bahay sa Brgy. Tanque, Roxas City

Published

on

Isang 63-anyos na lalaki ang natagpuang patay sa loob ng kaniyang bahay sa Capricho II, Brgy. Tanque, Roxas City.

 

Kinilala ang biktima na si Joselito Baltazar, residente ng nasabing lugar.

 

Batay sa report ng Roxas City PNP, magbibigay sana ng bill sa ilaw si Jose De Cena sa biktima pero ipinagtataka nito na hindi sumasagot ang biktima.

 

Nabatid na mag-isa lang ang matanda sa kaniyang bahay.

 

Ipinaalam ito ni De Cena sa pamilya ng biktima. Agad naman pumasok sa bahay ang  bayaw nito na si Ramon Ponsaran kung saan tumambad sa kaniya ang bangkay na ng biktima.

 

Pinaniniwalaan na may sakit sa puso ang biktima at nagmi-maintinance nalang. Huli umano itong nakita Nobyembre 16 hanggang natagpuan nalang ito Nobyembre 19 ng umaga na wala nang buhay.

 

Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *