Connect with us

Capiz News

4 lalaki arestado sa buy bust operation sa Brgy. Punta Tabuc, Roxas City

Published

on

Arestado ang apat na kalalakihan sa Brgy. Punta Tabuc, Roxas City sa ikinasang buy bust operation nitong Biyernes ng tanghali.

 

Kinilala ang mga suspek na sina Ryan Cabalquinto, 48-anyos, Leonardo Dela Cruz, 32, Edmund Buenavista, 35, mga residente ng Roxas City, at Riza Osorio, 39, residente ng Iloilo City.

 

Narekober ng kapulisan ang 8 sachet ng pinaniniwalaang shabu, isang Php1000 marked money, isang cellphone, at pouch.

 

Nakuha rin sa mga suspek ang dalawang lighter, isang rolled aluminum foil, fold aluminum foil, at mga maliliit na empty sachet.

 

Tinatayang nasa 5 gramo ang mga nasabat ng operatiba na katumbas ng Php35,500 market value.

 

Ang operasyon ay ikinasa ng Roxas City Drug Enforcement Team sa superbisyon ni PLtCol. Ricardo Jomuad Jr., hepe ng Roxas City PNP.

 

Nakakulong ngayon ang tatlo sa Roxas City PNP Station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *