Connect with us

Capiz News

Opisyal ng CRC, dinidiskartehan umano ang asawang babae ng mga inmates

Published

on

Inirereklamo ng ilang inmate ang ginagawang pangungursunada ng Arministrative Officer ng Capiz Rehabilitation Center (CRC) na si Andreo Llaver sa kanilang mga misis na dumadalaw sa nasabing jail facility.

Ayon sa isang inmate, nalaman umano niya na buntis ang kaniyang asawa at si Llaver ang tinuturong ama nito.

Nasa dalawang taon na umanong hindi nakakabisita ang kaniyang misis sa kaniya sa kulungan pero may nakapagsabi na madalas umano siyang nakikita sa labas ng CRC kasama ang nasabing opisyal.

Reklamo naman ng isang inmate, nagbisita sa kaniya ang misis noong Mayo 2020. Inalok umano ni Llaver ang kaniyang misis na ihatid ito mula sa bahay patungong CRC.

Hiningian pa umano ng cellphone number ni Llaver ang kaniyang misis. Kapag hindi umano papayag ang misis ay gigipitin siya sa kulungan.

Ipinag-aalala ng mga inmate ang kanilang seguridad sa nasabing kulungan kaugnay sa nasabing isyu.

Nabatid na 2016 nang madestino sa CRC si Llaver bilang jail guard pero napromote kalaunan bilang administrative officer dito.

Sinusubukan pang kunin ang pahayag ng inirereklamo at ang pamunuan ng nasabing jail facility.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *