Connect with us

Capiz News

33 anyos na lalaki kalaboso matapos mahuling humihithit ng shabu

Published

on

Arestado ang isang 33-anyos na lalaki matapos maaktuhan na humihithit ng shabu sa Brgy. Punta Tabuc, Roxas City Martes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Geinro Acaylar, 33, isang laborer, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report ng Roxas PNP, nahuli ni George Avelino Jr ang nasabing suspek na gumagamit ng droga habang nasa main door ng kanilang bahay.

Agad rumesponde ang kapulisan at inaresto ang suspek sa paglabag sa Section 15 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Narekober ng mga otoridad ang isang plastic sachet na may mga tira ng pinaghihinalaang shabu, isang improvised needle, at isang lighter.

Pansamantalang nakakulong ngayon ang suspek sa Roxas City PNP Station para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *