Connect with us

Capiz News

30 anyos na lalaki sinaksak ng kainuman sa Jamindan, Capiz

Published

on

sinaksak

Sugatan ang isang lalaki matapos saksakin ng kaniyang kainuman sa Brgy. Lapaz, Jamindan, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Leny Galagate, 30-anyos, Mario Fundar, 45, parehong mga residente ng nasabing lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Jamindan PNP, nag-iinuman ang dalawa sa bahay ng isa nilang kaibigan kasama ang iba pa nilang mga barkada.

Ilang sandali pa ay nagpaalam umano ang suspek na umuwi pero bumalik ito at bigla nalang sinaksak ang biktima gamit ang kutsilyo.

Nagtamo ng saksak sa likod ang biktima. Agad itong isinugod sa Mambusao District Hospital para mabigyan ng kaukulang paggamot.

Sumuko sa Punong Barangay ang suspek at dinala ito sa Jamindan PNP Station kung saan ito pansamantalang nakakulong.

Pinaniniwalaang dating away ang motibo sa nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *