Connect with us

Capiz News

Tindahan ng mga RTW sa Mambusao, Capiz nasunog

Published

on

Nasunog ang Nolacs Store na isang tindahan ng mga RTWs sa Poblacion Tabuc, Mambusao dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Ang nasabing establisyemento-komersyal ay pinagmamay-arian ng pamilya ni Norberto Lacson.

Matapos makatanggap ng tawag, mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Mambusao Fire Station at inapula ang sunog.

Ayon sa report ng Mambusao Fire, nasunog ang ilang mga paninda sa naturang establisyemento gaya ng mga sandals, sapatos, at mga damit.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng BFP Mambusao short circuit ang sanhi ng sunog.

Hindi pa matukoy ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *