Connect with us

Capiz News

Lalaki patay matapos makuryente sa Pilar, Capiz

Published

on

Patay ang isang 33-anyos na lalaki matapos sinasabing nakuryente sa Brgy. Monteflor, Pilar, Capiz.

Kinilala sa report ng Pilar PNP ang biktima na si Deo Bacli, residente ng nasabing lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, natagpuan na lamang ang biktima ng kanyang ina na wala nang buhay.

Ayon sa ina nito na si Melly, pumunta umano sa kanilang bahay ang nasabing biktima dakong alas-11 ng gabi para ayosin ang linya ng kuryente sa labas ng kanilang bahay dahilan ng kaniyang pagkakuryente.

Agad isinugod ng pamilya ang biktima sa ospital pero hindi na ito umabot pa ng buhay.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *