Connect with us

Capiz News

30 anyos na lalaki arestado dahil sa iligal na droga

Published

on

Inaresto ng kapulisan ang isang 30-anyos na lalaki  sa Homesite, Brgy. Lawaan, Roxas City, Capiz nitong Linggo dahil sa patong-patong na kaso kaugnay ng iligal na droga.

 

Kinilala sa report ng Roxas City PNP ang akusado na si John Mark Hervias, residente ng nasabing lugar.

 

Nahaharap siya sa apat na criminal case dahil sa paglabag nito sa section 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Siya ay inaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Roxas City PNP, Provincial Mobile Force Company, at ng CIDG-Capiz sa bisa ng warrant of arrest.

 

Ang warrant ay ibinaba at nilagdaan ni Ignacio Alajar, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 18 dito sa Roxas City nitong Setyembre 15.

 

Ang akusado ay pansamantalang ikinulong sa Roxas City PNP Station at nakatakdang dalhin sa kaukulang korte.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *