Connect with us

Capiz News

Sundalo sugatan matapos umatake ang mga NPA sa Tapaz, Capiz

Published

on

Sugatan ang isang miyembro ng Philippine Army matapos umatake ang pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Nayawan, Tapaz, Capiz.

Kinilala ang sundalo na si Corporal Bernie Luces, na nadestino sa 12 Infantry Battalion.

Ayon sa report, tumagal ng halos 20-minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng mga miyembro ng NPA at 12IB dakong alas-4:10 ng hapon nitong Biyernes.

Agad isinugod ang sugatang sundalo sa Tapaz District Hospital pero inilipat rin sa isang ospital sa Iloilo para sa karagdagang paggamot.

Nagsagawa agad ng tactical operation ang mga tauhan ng militar para mahuli ang mga nasabing mga rebelde.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *