Connect with us

Capiz News

Lalaki patay matapos bumangga sa concrete barrier ang menamanehong motorsiklo

Published

on

aksidente sa motor photo

Patay ang isang lalaki matapos aksidenteng bumangga sa concrete barrier ang menamaneho nitong motorsiklo sa Brgy. Ilaya, Ivisan, Capiz.

Kinilala sa report ng Ivisan PNP ang biktima na si Boy Sorallo, 28-anyos, residente ng Brgy. Malocloc Sur sa nasabing bayan.

Batay sa kapulisan, binabaybay ng nasabing lalaki ang kahabaan ng kalsada nang mawalan ito ng kontrol at bumangga sa konkretong barrier.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang biktima. Mabilis itong isinugod sa Capiz Doctors Hospital pero hindi na umabot ng buhay.

Iniimbestigahan pa ng kapulisan ang aksidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *