Connect with us

Capiz News

Tanod pinagbabaril-patay sa kaniyang bahay sa Cuartero, Capiz

Published

on

Patay ang isang 37-anyos na tanod ng barangay matapos siyang pagbabarilin ng makailang beses sa Brgy. Sinabsaban, Cuartero, Capiz.

 

Kinilala sa report ng Cuartero PNP ang biktima na si Relic Estorque, residente ng naturang lugar, habang hindi pa nakikilala ang suspek.

 

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, pinasok ng suspek ang bahay ng biktima na mag-isa lamang na nakatira sa kanilang bahay saka ito pinagbabaril.

 

Isinugod pa sa Dao District Hospital ang biktima pero dineklara itong dead on arrival ng attending physician.

 

Nakuha ng mga otoridad sa crime scene ang walo lahat na mga basiyo at isang bala ng pinaghihinalaang kalibre .9mm na baril.

 

Tinitingnan ng kapulisan kung may kinalaman ba ang insidenteng ito sa mga kasong roberry na kinasasangkutan noon ng suspek.

 

Patuloy ang imbestigasyon ng Cuartero PNP sa kaso.

 

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *