Connect with us

Capiz News

Lalaki patay matapos mahagip ng menamanehong tricycle ang nakapark na truck

Published

on

Patay ang isang 54-anyos na lalaki matapos mahagip ng menamaneho niyang tricycle ang isang nakapark na truck sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Bolo, Roxas City.

 

Kinilala ang biktima na si Rogelio Deviente residente ng Brgy. Liong, Roxas City, at isang empleyado ng Metro Roxas Water District o MRWD.

 

Batay sa report ng Roxas City PNP, nagdadrive ng kaniyang tricyle ang biktima pauwi sa kanilang barangay ng aksidente nitong mahagip ang gulong ng nakapark na truck.

 

Sa lakas ng pagkakahagip nito, natumba sa kalsada ang tricyle at nagtamo ng malubhang sugat sa ulo at sa iba pang bahagi ng katawan.

 

Sinubukan pang dalhin sa ospital ang lalaki pero hindi na ito umabot ng buhay.

 

Nabatid na walang early warning device na inilagay ang driver ng nasabing truck nang maganap ang aksidente gabi nitong Miyerkoles.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *