Connect with us

Capiz News

21-anyos na lalaki sugatan sa banggaan ng isang motorsiklo at SUV

Published

on

Sugatan ang isang lalaki matapos makabangaan niya sakay ng motorsiklo ang isang SUV sa Brgy. Lawaan, Roxas City kagabi.

 

Kinilala sa report ng kapulisan ang driver ng motorsiklo na si Ronel Gevero, 21-anyos, residente ng Brgy. Guinbi-alan, Maayon, Capiz.

 

Kinilala naman ang driver ng SUV na si Fidel Denolo, 35, residente ng Brgy. Milibili, sa lungsod ding ito.

 

Ayon sa nakasaksi na si Romel Aguilar, bigla nalang sumulpot sa linya ng motorsiklo ang naturang SUV.

 

Depensa naman ng driver ng SUV, sinubukan pa niyang umiwas pero dahil sa bilis ng patakbo ng driver ng motorsiklo ay nahagip parin ang bumper ng kaniyang sasakyan.

 

Mabilis namang isinugod sa ospital ang driver ng motorsiklo para mabigyan ng kaukulang paggamot matapos magtamo ng sugat sa magkaibang bahagi ng katawan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *