Connect with us

Capiz News

Miyembro ng LGBT Community natagpuang patay sa kanilang bahay sa Roxas City

Published

on

Hubo’ hubad at wala ng buhay ang isang miyembro ng LGBT Community ng ito ay matagpuan sa kanilang bahay sa Paragon Village, Brgy. Dinginan, Roxas City nitong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Marcelo Borreros o mas kilala bilang “Bansilo”, 46-anyos.

Nabatid na natagpuan na nakahiga sa kaniyang kama ang nasabing biktima habang namamaho at inuuod na ang kaniyang katawan.

Tinatayang nasa tatlo hanggang apat na araw nang patay ang nasabing persona na mag-isa lamang na nakatira sa kaniyang bahay.

Ang trabaho ng biktima ay nagmamanicure, nagmi-make, at naghi-hair-dress.

Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang ikinamatay ng nasabing persona.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *