Connect with us

Capiz News

3 lalaki arestado matapos magnakaw ng sako-sakong feeds sa Roxas City

Published

on

Arestado ang tatlong lalaki matapos magnakaw umano ng sako-sakong feeds sa Barangay X, Roxas City.

 

Kinilala ang mga suspek na sina Joerny Berbaño, 29-anyos; Joelit Palma, 19, perehong mga taga-Dumarao, Capiz; at Rone Besorio, 25, ng Dumalag, Capiz.

 

Kinilala naman ang biktima sa report ng Roxas City PNP na si Carmelo Otico, 65-anyos, isang negosyante, residente ng Iloilo City.

 

Ayon sa salaysay ng truck driver na si Arwin John Leonico sa Roxas City PNP, magdedeliver na sana sila ng mga sako-sakong feeds sa labas ng isang tindahan ng mga poultry supplies nang nakawin ito ng kanilang mga helper.

 

Ikinarga umano ng mga nasabing suspek ang mga feeds sa isang dump truck na menamaneho ni Antonio Mahilog saka umalis.

 

Agad nagsagawa ng follow-up investigation ang mga kapulisan at natunton ang mga suspek. Nabawi sa kanila ang mga ninakaw na feeds na nagkakahalaga lahat ng nasa Php65,000.

 

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa Roxas City PNP at posibleng sampahan ng kaukulang kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *