Connect with us

Capiz News

Lalaki na may kasong rape arestado sa Roxas City

Published

on

Arestado

Arestado ang isang lalaki sa Plaridel Street, Barangay VIII, Roxas City, Capiz dahil sa kasong rape.

Kinilala ang akusado na si Reyno Olithao alyas “Manoy”, residente ng Brgy. Intampilan, Panitan, Capiz.

Siya ay inaresto ng kapulisan sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba at nilagdaan ni Kristine Tiangco – Vinculado, Presiding Judge RTC Branch 16, Roxas City nito lang Oktobre 13.

Walang itinakdang pyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Pansamantalang ikinulong ang suspek sa Panitan PNP Station para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *