Connect with us

Capiz News

Baril na ginamit sa pagpatay kay Lego at Bering magkaiba ayon sa Crime Lab

Published

on

Magkaiba ang .45 pistol na ginamit sa pagpatay kay Erlon Lego sa Dolores, Dumalag at Rose Bering sa San Juan, Dumarao, Capiz ayon sa Regional Crime Laboratory (RCL) 6.

Ito ang sinabi ni PCol. Enrique Ancheta, RCL-6 Chief sa isang panayam, matapos isailalim sa ballistic examinations ang mga recoveries sa magkahiwalay na crime scene.

Mababatid na may dalawang empty shells ng .45 caliber pistol at isang basiyo ng 9 mm ang narekober sa lugar kung saan pinatay si Lego habang tatlo naman na basiyo ng .45 caliber pistol ang nakuha sa San Juan, Dumarao kung saan pinatay si Bering.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa magkahiwalay na insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *