Connect with us

Capiz News

44-anyos na lalaki sinaksak sa Panitan, Capiz

Published

on

sinaksak

Sugatan ang isang 44-anyos na lalaki matapos saksakin ng kasama nito sa bahay sa Brgy. Timpas, Panitan, Capiz.

Kinilala sa report ng Panitan PNP ang biktima na si Roberto Tañongon, residente ng nasabing lugar.

Kinilala naman ang suspek na si Joesil Mark Edrosolano, 32-anyos, residente ng Brgy. Balighot, Maayon, Capiz.

Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, umuwi na lasing ang suspek bagay na pinagalitan umano ng biktima.

Dahil rito, bigla nalang kumuha ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang bitkima na natamaan sa kaniyang likod.

Agad dinala ang biktima sa ospital para gamutin habang sumuko naman sa kapulisan ang suspek matapos ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *