Connect with us

Capiz News

2 katao aresto matapos magpaputok umano ng baril sa bayan ng Dumalag

Published

on

Inaresto ng kapulisan ang dalawang katao sa Brgy. Sto. Niño, Dumalag, Capiz matapos umanong magdulot ng kaguluhan at magpaputok ng baril.

Kinilala sa report ng Dumalag PNP ang mga inaresto na sina Jonel Firman, 29-anyos, ng nasabing lugar, at Elijah Ben Are Castro, 39, residente ng Brgy. Sta. Cruz sa nasabing bayan.

Ayon kay Barangay Kagawad Dennis Lusaya, nag-iinuman ang dalawa nang magpaputok ng baril ang mga ito dakong alas-2:00 ng madaling araw nitong Linggo.

Dagdag pa ng opisyal ng barangay, nagsisigaw ang dalawa alas-9:00 ng umaga ng parehong araw.

Narekober ng kapulisan ang anim na basiyo ng calibre .38 na baril na ginamit umano ng mga suspek sa insidente.

Posibleng maharap sa kaukulang kaso ang dalawa.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *