Connect with us

Capiz News

Tindero tinaga ng kutsilyo; suspek arestado

Published

on

Isang 33-anyos na lalaki ang tinaga ng kutsilyo sa Lariosa St. Brgy. Poblacion Tabuc, Mambusao, Capiz gabi ng Linggo.

Batay sa report ng Mambusao PNP, ang biktima ay si Steve Dividina Rufino, residente ng Brgy. Atiplo, Mambusao.

Kinilala naman ang suspek na si Joven Potato Rufino, 45, residente ng Brgy. Poblacion Tabuc sa nasabing bayan.

Sa paunang imbestigasyon ng Mambusao PNP, nagmamaneho ng kaniyang motorsiklo ang nasabing biktima nang lapitan siya ng suspek at bigla nalang tinaga ng kutsilyo.

Nagtamo ng sugat sa kanang kamay ang biktima at dinala sa ospital para mabigyan ng kaukulang paggamot.

Inaresto naman ng kapulisan ang suspek matapos ang insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa nangyari.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *