Connect with us

Capiz News

33 anyos na lalaki patay matapos madisgrasya sa motorsiklo sa Jamindan, Capiz

Published

on

disgrasya sa kalsada

Patay ang isang 33-anyos na lalaki sa Brgy. Ambulong, Jamindan, Capiz matapos madisgrasya sa kaniyang motorsiklo.

Kinilala sa report ng Jamindan PNP ang biktima na si Danrich Villeza, isang laborer, residente ng Brgy. Guintas sa nasabing bayan.

Naganap ang aksidente dakong alas-8:30 ng gabi nitong Linggo, Setyembre 27, habang nagmamaneho ng motorsiklo ang lalaki nang nag-overshoot ito sa kurbadang bahagi ng national highway.

Nagtamo ng sugat sa kaniyang ulo ang nasabing ang driver at mabilis na isinugod ng Jamindan Rescue Unit sa Mambusao, District Hospital para gamotin.

Subalit kinabukasan, Setyembre 28, binawian ng buhay ang biktima habang ginagamot sa ospital.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *